Buwan by Wickermoss

Sa aking pag-gising, pangarap kang makita
Pagpintig ng puso mayroong kaba
Di ko mailihim, ningning sa aking mata
Balang araw, ako'y umaasa

Ika'y makapiling
Sabay ng dalangin at
Pagbilog ng buwan

Paglipas ng araw, pangarap ko'y ganap
Ako'y iyong nasa isip, ako'y hanap-hanap
Di raw panaginip, sa isang iglap
Magkasama tayo, sa alapaap

Hawak kamay at
Sabay na humahanga sa
Ganda't liwanag ng buwan

Masdan mo giliw, langit sa piling mo
Mundo'y gumaganda, bawat hinga'y laan sa yo
Sa bawat ihip, at bulong ng hangin ay
Mundo'y iikot lang, sa iyo

Dahil sa pagsubok, lahat ba'y may hangganan
Pag di inukol, walang hahantungan
Hayaan na lang isipin, hayaang maghangad
Mugto ang matang hawak ko, tangi mong larawan

Habang ako ay
Mag-isang nakatanaw
Sa pag-luha ng buwan
As I wake up, my dream is to see you
The beating of my heart is aflutter
I cannot hide, the twinkle in my eye
Someday, I am hoping

You'll be with me
Along with the prayers and
the full moon

As the day passes, my dream is reality
I am in your thoughts, I am your desire
It is no dream, in a heartbeat
Together we are up in the clouds

Holding hands and
Both admiring the
Beauty and light of the moon

See, my love, heaven is being with you
The world grows more beautiful, every breath I offer to you
With every breeze, and whisper of the wind
The world only turns, around you

Because of trials, does everything have limits?
Without dedication, one will get nowhere
Leave one to ponder, leave one to wish
The swollen eyes I hold are your only picture

While I am
Alone gazing
at the weeping of the moon
  1. View: English | Tagalog
  2. Yagami = moon, god. "Pray to the moon at night while thinking of god" is one of the 13 truths (SPOILERS) in Death Note Vol. 13, How to Read.
  3. Click on the arrow to load, play, or stop the song. Click on 'playing' to pause it.
  4. The mp3 is 8mb/320kbps. Sorry, couldn't compress it properly. (Consolation prize: Stars by Callalily)
  5. Script from del.icio.us Yahoo. Images and fonts from DG. Created by Stellify.