1998 - 2007

1998

Likod ng pulang t-shirt. Tinuro sa 'kin nina Rach yung isang batchmate namin nung tumambay kami sa Girls' Dorm Annex. Schoolmate daw ni Ken. Section Topaz. (Kami Ruby.) Syempre dahil may gusto si Rach kay Ken noon, lahat ng ng impormasyong may relasyon kay Ken ay inaalam niya. Kimpo daw pangalan. Schoolmate ni Gallo. Pero likod lang ng pulang t-shirt ang nakita ko.

1999

Class Kris Kringle. Something soft. Ang natanggap ni Debo, toilet paper (kasama ko siya nung binuksan yung regalo). Alam naming galing kay Kimpo yun. May naisip ako. Sinuksok namin yung punit-punit na pambalot sa locker niya. Kinabukasan, napikon siya. Nang sobra. Pati mga kabarkada niya nagalit sa 'min. Nag paperchat pa kami ni Debo para planuhin pano kami makikipagbati sa kanila.

2001

Eng Journ. Sci Scho. School paper. Naiinis ako nun kasi as usual onti lang ang gumagawa ng trabaho. Nasigawan ko siya. Sinigawan din niya ko. Naguilty ako ng sobra. Sorry ako ng sorry.

2002

Gen San. Tatlo kami ni Macy at ni Kimpo na pumunta bilang kalahok sa National Schools Press Conference. Pati tatay niya. Matapos ng ilang araw ng pagliliwaliw, at ng ilang araw ng pagsali sa kompetisyon, nanalo si Macy 6th Place sa Photojournalism. Nanalo si Kimpo ng 1st Place sa News Writing. Napatili ako kasi siya ang huling tinawag sa lahat. (Hindi ako nanalo.) Habang pinipicturan ko sila, natapilok ako.

2002

CS 11. Napansin ng isang kaklase kong si Egay ang sulat ko---mabilis pero maayos. Hirit ni Kimpo, "grace under pressure." Tinawag nya rin itong "pinakamagandang sulat na hindi ko maintindihan." Sa kolehiyo ko lang naperpekto ang pagsulat nang maganda at mabilis.

2002

Sa di ko malamang rason nagalit siya sa 'kin. Sabi ko raw kasi nung tinanong ako ni Geo kung nasan si Kimpo (na absent sa klase) ay "care ko?". Sa utak ko, isa itong pagparaphrase ng sinabi ni Cain nung tinanong siya ng Diyos kung nasaan ang nakababatang kapatid niya, at sinagot nito, "I am not my brother's keeper." Nagalit daw siya don. Di niya ko kinausap ng ilang araw. Hanggang isang araw, nang matapos ang CS 12 na leksyon, sinabihan niya ko, "mag-usap tayo." Nag-usap kami sa hagdan ng Main Library. Nasa tabi-tabi sina Jael at Geo, pinapanood at kinakantsaw kami.

2003

Araw ng mga Puso. May plano kami na makipagkita kay Bai. Kunwari kakausapin ko, pero ang totoo ay bibigyan ni Kimpo ng regalo. Nang matapos ang araw, pumunta akong dentista. Tinext niya ko, bibigyan din daw sana ako ng rosas para magpasalamat.

2003

Binasted si Kimpo ni Bai nung Abril, pero pagdating ng debut ni Anna ng Hunyo, kasama si Bai sa mga nakisabay na maihatid ng tatay ni Kimpo sa Valle Verde. Anong magagawa ko, e kaibigan ko sila pareho? Ako ang nagsuggest na magsabay kaming lahat. Pumayag naman sila pareho. Sa party, di pinapansin ni Kimpo si Bai sa linya ng buffet kahit kinakausap siya nito. Ang bitter no?

2003

Bahay ni Jael. Si Atchie, ginigitara at kinakanta ang "Maniwala Ka Sana" ng Parokya ni Edgar. Si Kimpo, parang napapahiya.

2003

Isang tulang namumulaklak sa malalaking salita---di tulad ng kasalukuyan niyang istilo. Pero.

2004

Pinatawag kami nina Carlos, Mike, at iba pang CS Reps. Bubuhayin daw ulit ang Parser. Ako ginawang editor in chief. Pero pag-uwi ko, tinext ko si Carlos at sinabing si Kimpo na lang. "Sure ka?" "Oo." "Ok."

2005

Disjointed Prettiness Ahead

2005

"Inseperable [sic] - the words i use to describe corsarius and his 'best friend', ia (not that ventolin)." - Jonas

2005

Yearbook pic. Irap. Kadena. Kamay. Teka, kaninong kamay yun?

2005

Poetry Written for Another Person

2006

Tatlo dapat kami ni Geo at Kimpo na ihahatid sa Grad Ball. Pero nasa airport pa si Geo nun kaya umalis na lang kami. Nilibre kami ng tatay ko sa Spiral, Hotel Philippine Plaza (Hotel Sofitel na yata ngayon). Swerte niya. Bihira manlibre tatay ko. Needless to say, walang binatbat ang pagkain noong Grad Ball kumpara sa Spiral.

2006

Corsarify, meet Risk; Risk meet Corsarify.

2006

She, I

2007

Nagpagawa siya ng kwintas para sa kin. Sabi niya lagyan ng light blue at pula. Pero hindi raw pala bagay na magkasama.

2007

Isang pahina sa kanyang Moleskine.

2007

Philippine Blog Awards Tomorrow: "Both of us have a "you win, I also win" mentality, and I'm happy that her efforts with Stellify (which is less than seven months old) have already been recognized."

6:05 AM 3/18/2007 | 2:40 AM 4/18/2007 | 12:43 AM 5/10/2007 | © Stellify.net | Para sa Korsaryo